|
haha. bawal sa akin ang free time. ewan ko ba. nakakatawa lang talaga. pag madaming ginagawa, parati ako maghahanap ng "break". magsisingit ng isang oras ng gawaing hindi naman kunektado sa DAPAT kong ginagawa. pero pag ngayon, may free time (walang pasok kasi Quezon City Day), ayoko naman ng walang ginagawa. weird.
dapat ginagawa ko yung marketing part ko, pero hindi ko alam kung bakit wala ako sa mood. wala lang siguro talaga. ang weird.
rina and her and her groupmates are in the dorm working on their marketing. and im here at Coffeeheads writing this. haha. hello people. (if you got the chance to read this, although it would be nearly impossible)
siguro may iba pang dahilan kung bakit ayoko gumawa. ewan ko ba. baka isang matinding katamaran. o baka...hmmm...pwede kaya? sana hindi. :)
mukhang uulan na naman. malabo talaga ang weather. hmmm. tulad ng maraming bagay. malabo. mahirap intindihin kahit nariyan na at nakikita. ang hirap gawin kahit alam na kailangan na talaga. hay nako, di pa talaga ko natuto. o baka ayaw ko lang talaga matuto. (malaki ang pagkakaiba nun, hehe)
siguro nga, kaya ako tinatamad, e dahil DUN. may choice ba ko? actually meron. pero pinipili kong manatili sa aking kinalalagyan. sabi ko nga sa isang kaibigan dati, "adik yata ako sa sakit".
teka, masyado na akong nag iisip. tama na to. sabi ko na e, bawal sa akin ang free time. :)
|