|
sabado na. ibig sabihin friday kahapon. grabe hanggang ngayon natatawa pa rin ako sa sarili ko dahil nagpahila ako sa nanay ko na manood ng NOW THAT I HAVE YOU. typical filipino "kilig" (ugh) love story. oh well. pero sige, aaminin ko, may natutunan naman ako, kahit papano...na ang pagmamahal daw ay isang "chemical reaction" lang ng mga hormones at kung ano-anong bagay na nasa katawan natin. kaya tayo nagiging masaya, malungkot, parating nakangiti, at kung anu ano pa. mga kemikal lang yun lahat. hmmmm. e di kung ganun pala, lahat ng bagay, lahat ng reaksiyon, at lahat ng naiisip nating gawin e dala ng chemical reactions. interesting. :)
sinamahan ko din pala si rina (DUDE RINA!!!) sa lake island ngayon, ang proposed venue ng ACTM ACP. sa unang pagkakataon, hindi ko kinailangan magbiyahe ng isang oras (o higit pa) para makarating sa usapan. hehe. pano dito lang yun sa amin. naisip ko tuloy na iniisip ko dati kung sinong unang college barkada ko ang makakapunta sa bahay (o kahit sa bundok binangonan). junior na ko wala pa nakakagawa. mukhang wala nang makakagawa. hehehe.
random thought:
marami nang nagsasabi na ang Pagbabago (change) ang isang bagay na hindi magbabago. hmmm. alam ng lahat ng tao yan. kahit ako. pero bakit ganun, kahit alam ko na yun, at dapat nagagawa ko nang masanay at abangan. pero hindi pa rin.
nakakalungkot lang na malaki na ang pinagbago natin sa isa't isa. siguro kasalanan ko rin. itinulak kita. tapos magsisisi ako ngayon, dahil gusto na kita hilahin pabalik. pero hindi na pwede. naging permanente na yata ang inakala kong panandaliang paghiwalay sa iyo. hay nako. chemical reaction lang to. tama. chemical reaction lang to.
on a lighter note....
ang cute ng aming lovebirds. si yellow at blue (so malamang alam nyo na kung anong kulay sila). pero eto yung catch: si yellow yung blue, at si blue yung yellow. o diba, astig?
kagabi pagdating namin tinanong ang nanay ko kung bati na daw ba yung mga ibon. pano magkagalit daw. e syempre ako naman tong si tanong kung bakit magkagalit.
ANG UMAATIKABONG SAGOT: magkahiwalay daw kasi matulog sa loob ng kulungan.
syempre hindi ko na tinanong kung saang lupalop na libro nakuha yun ng nanay ko. pero parang may pakiramdam akong mamaru siya. hehe.
ngayong umaga, maingay sila. siguro masaya. o baka gutom.
ang takaw pala ng ibon.
|