|
nakita ko ang isang kakaibang mensahe sa aking telefono movil.
"message memory almost full". labo. di na ko umaaot sa 30 mensahe sa bawal folder. hmmmm. nakailang bagsak na nga yun ulit? hehehe.
at dun nagsimula ang paglalagom ng aking mga gunita. "nilinis" ko ang aking inbox, at nakita ang mensaheng ito:
"in life, God doesn't give you the people you want. Instead, He gives you the people you need...to teach you, to love you, to hurt you...and make you exactly the person He wants you to be."
ang kabalintunaan nga naman ng buhay. kailangan muna masaktan bago matutong maging masaya. kailangan muna madapa para matutong maglakad. kailangan munang maka-C sa marketing bago matuwa sa isang A. (lord sana tuloy tuloy na yun..pleeeeaaassseeee?????)
at ang pinaka masaklap...kailangan muna kitang mahalin bago kita makalimutan. na sa umpisa naman ay di ko na dapat hinayaang mangyari. dahil noon una pa, alam ko nang nakasalalay sa akin ang lahat. hinayaan ko ang sarili ko na mahulog sa bitag na ako mismo ang bumuo. ako ang sarili kong biktima.
para sa iyo na nagpadala sa akin ng mensaheng iyon (kung nababasa mo man ito), gusto kong malaman mo na sumagi ka sa isip ko ngayon. at oo, parati pa rin kitang naiisip.
|