|
hmmm. assumption day ngayon. di ko pa maaalala kung hindi hinimay nga pari kanina yung dogma ng assumption ni mary. oh well.
magsusuot daw kami ng pula bukas. hehe. oo nga pala. ang tradisyong inabutan ko sa ateneo nung freshman year.
bigla ko tuloy na miss ang highschool. ang nakakatawa, yung mga alaalang masasakit at masama (maliban sa isang bagay na IYON), hindi ko na maalala. puro masasaya na lang. napapangiti ng ako pag naaalala ko yung mga kagaguhan naming magkakabarkada: ang tumambay sa CR (as in tambay, naka upo kami lahat sa sahig), ang kumain ng baon ng may baon, at kung medyo mas ulupong ka talaga (tulad ko), magdadala ka pa ng sarili mong utensils. nang uubos din ng tubig o juice sa mga coleman, manglalait ng teacher/s (hehe), kaklase, o kung sino lang ang matripan. grabe. parang ang tagal tagal na nun pero sa totoo lang wala pang 5 taon ang nakakalipas. hehe. ANG TANDA KO NA!!!!
speaking of pagtanda, birthday na ni DUDE Kris bukas (mga 1 oras at 45 minuto ayon sa king computer). haha, 19 na siya. naalala ko tuloy nung debut niya last year, gumawa kami ng video para sa kanya, pero halos maiyak na kami dahil ayaw gumana nung CD dun sa projector. bad trip yun nun! pero syempre, di sumuko ang mga dude pare at pinapanood nalang namin sa kanya mula sa laptop. nung nakita ko yung reaction nya, grabe, isa lang ang naisip ko: it was all worth it. at ito ang masaya: di siya nakahalata sa buong panahong sinusuyod namin ang cell phone niya para sa numero ng kaibigan niya pati pinsan niya at kahit na parati ko dala yung videocam ko sa DLSU. hindi ko makakalimutan yung gabing yun. haha. ;)
sa totoo lang masarap bigyan ng sorpresa o ng kahit ano yang si kris. fulfilling talaga kasi sobra sa appreciation. :) o ayan, dude, binabati na kita ng maaga:
HAPPY BIRTHDAY MARIA KRISTINA SARAH!
uy panalo pala kami sa UAAP basketball against UST. 8-1 na! Go Blue Eagles!!! One Big Fight!
|