|
maniniwala na talaga ako na walang kayang tumalo sa isang TUNAY at WAGAS na pagmamahal. (oops, bago kayo mag-isip, hindi ito yung romantic, head-over-heels love, oke? oke.) itong buong linggong ito wala nang naging laman ang isip ko kundi mga negatibong bagay, na malamang dala na din ng stress at walang katapusang schoolwork sa lahat ng lintik na subjects na yan. pero sabi ko nga, iba talaga pag mahal mo yung tao...dahil isang oras ang nakaraan, tinawagan ako ng isnag taong naging malaking parte ng buhay ko -- si chase. sa tamang oras at tamang panahon. at kahit nag-ugat ang pagtawag na iyon sa iang hindi magandang punto, tumawag pa rin siya. at...yun...ang...astig. :)
sa mga ganitong panahon di ko maiwasang isipin kung ano kaya ang mga nangyari kung sakaling hindi na sila (si coleen, corina, at kit) umalis, nasa magkakaibang kolehiyo kami, pero nsa maynila pa rin. hmmm...malamang riot yun! lalo na kung lahat kami nagdo-dorm. bwahaha! naiisip ko pa lang nangingiti na ko. pero sa isang banda, nakakapagpaluha din. nakalulungkot isipin na may mga bagay na hindi na mangyayari. pero sa kabila non, alam kong may babalikan pa akong pagkakaibigan.
naisip ko tuloy, hindi kaya minsan ginagawa kong busy ang sarili ko para mapigilan kong malungkot? hmmm.
para sayo, chase, isang walang katapusang pag-asa at paniniwalang "this too, shall pass". salamat sa pagtawag mo. hindi ko alam kung naramdaman mo o ano, pero nung oras na iyon, kinailangan ko ng boses ng isang tunay na kaibigan. :) mahal kita. mahal na mahal.
|