|
dahil ginawa kong misyon sa buhay ngayong sembreak ang ibalik ang kaayusan at kalinisan ng aking kuwarto, madami akong "natuklasan". (hehe)
nakita ko yung isang notebook ko nung highschool. binasa ko.
at naalala ko (mula sa mga pahinang puno ng bughaw na tinta at madiin na pagsusulat)...ang isang taong lubos kong minahal. siya ang laman ng mahigit 100 pahina ng notebook. lahat na yata ng pinaka maliit at pinaka malaking bagay na "nangyari" sa pagitan namin, naisulat ko. minsan mukha na yata akong gago sa harap niya, pero nauuto pa rin niya akong gawin ang mga bagay na hindi ko normal na ginagawa sa kahit sino. basta ang alam ko nun, mahal ko siya. wala na akong pakialam kung ano mang mangyari. maging gago na kung maging gago. mauto na kung mauuto. OK lang. OK na OK lang. masaya pa nga yun eh. ΓΌ natutuwa na ko sa mga pinaka simpleng bagay na pinapahintulutan ni Lord na mangyari.
grabe, ang IN LOVE ko nun. malala. malalang malala. hehe. mahal na mahal ko siya. problema nga lang, ni minsan, hindi ko inamin sa kanya. hindi ko pa rin inaamin hanggang ngayon.
siguro mahal ko pa rin siya. siguro hindi ko naman talaga siya nakalimutan. nakatutuwang isipin na sa loob ng 5 hanggang 6 na taon, may ispesyal pa rin siyang parte sa buhay ko. napapangiti ako tuwing naaalala ko siya. at wala akong pinagsisisihan sa kahit anong ginawa ko sa ngalan niya. (grabe in love nga ko, ang tanga ko eh). matagal ko na siyang hindi nakikita; pero sabi nung ibang nakita na siya, nagbago daw siya. ewan ko. para sa akin, ang alaala niya nung huli kaming nagkausap, yun pa rin siya. siguro, pag nagkita kami, mayayakap ko siya (haha, taking advantage!) wala namang ibig sabihin yun diba? (hehe)
pero sabi ko nga, hindi naman niya alam na minahal ko siya. at siguro, hindi na niya malalaman.
hay nako. itatago ko na ulit yung notebook na yun. at ngayon, mukhang nauulit na naman ang ganito. parehong sitwasyon sa magkaibang tao. magsimula kaya ako ulit ng bagong notebook? haha!
haaaay. tuloy pa rin ang buhay.
|