|
sa iyo, na nagbabasa nito:
kung sa anumang paraan ay nagawa kong saktan ang iyong damdamin, dangal, o pagkatao; o kung sa simple o malalang pagkakataong sa pakiramdam mo'y niyurakan (o nayurakan) ko ang iyong pagmemeron sa akin,
humihingi ako ng tawad.
sana, kung hindi man ngayon, magawa mong makita sa iyong puso ang kapatawarang hinihingi ko.
hindi ako anghel. pero hindi rin naman ako demonyo. hindi ko na rin bibigyang-dahilan ang anumang di-nararapat na ikinilos ko sa iyo. inaamin ko ang pagkakamali ko.
muli, nawa'y isang araw, makamit ko ang iyong kapatawaran.
maraming salamat.
|