|
"...minsan, sa buhay, kailangan tayong sumugal"
kung walang susugal, walang tataya.
at kung walang magtataya, walang pupusta.
walang panganib, walang hindi sigurado, walang lihim na panalong itinakda ng mga baraha.
walang uuwi ng luhaan.
pero mawawala din ang ere ng misteryong hatid ng panghuhula; ng paglalatag ng taya, at pagkikinig sa mabigat na rubdob ng dibdib.
kaya oo, minsan, kailangan tayong sumugal.
kahit sa huli, ang tanging magagawa lamang ---
ang bumuntong hininga, mapailing, at sumuko.
at kung suswertihin, umuwing luhaan.
|