|
bukas ang huling araw ng 2004 :)
oras na para sa mga lasts para sa taong lilipas!! 2005 na!
NGAYON, last na akong:
- maggugupit ng kuko
- maglalaba ng damit
- maglilinis ng kwarto
- magd-download ng virus scan update
- maglilipat ng birthday entries mula sa lumang planner
- magkukuskos ng makapit na gasgas sa may gulong ng sasakyan (konti na lang, tapos naaaa!)
BUKAS, last na akong:
- maliligo pagkagising ko
- makakakita ng sunset mula sa bubong
- magpapakain ng pagong
- kakain ng almusal, tanghalian, at hapunan
- magte-text ng mga pagbati sa mga kaibigan
- manonood ng Lovers in Paris
- titingin sa 2004 calendar
pakanta na lang...
When I see you smile
I can face the world, oh oh,
You know I can do anything
When I see you smile
I see a ray of light, oh oh,
I see it shining right through the rain
When I see you smile
Oh yeah, baby when I see you smile at me
Ay grabe, bagong taon na! salamat sa isa na namang taong kasama ko ang mga mahal ko sa buhay bilang karamay sa lahat ng init, lamig, gutom, busog, tuwa, lungkot, kasawian, kabiguan, kabaliwan, kahibangan!, kahangalan, katangahan, kagaguhan, ka-martyr-an, tagumpay, tawa, iyak, pasa, bagsak!
Sa mga registration, summer classes, sembreak, inuman, picnic, puyatan, tsismisan, adventures, basketball games, tambayan, kainan, bowling!, kodakan, sine-han, hiraman, kapihan, tawagan, asaran, nakawan, gayaha, pikunan, kulitan, sapakan (hehe), patayan (hehe ulit), hanapan, lakaran, takbuhan, bilihan, biruan, hampasan...sa lahat lahat, SALAMAT.
friends, the 2004 journey was great :)
PERO BAGO KO TAPUSIN TO, ISA MUNANG *MOMENT OF SILENCE* PARA SA MGA NASALANTA NG LINDOL AT TSUNAMI SA INDONESIA, THAILAND, SRI LANKA, AT TIMOG INDIA -- MGA KAPWA NATIN ASYANO. Para na rin sa pamilya ng Atenistang si SHARLEEN TAN, isa sa mga namatay sa trahedyang iyon.
LORD, may sarili kang dahilan kung bakit mo pinahintulutang mangyari ito...sana kahit lubhang mahirap para sa amin, magawa naming makita Ka sa mga pangyayaring ito.
|