|
sabi nila andrama ko daw.
oo nga, bakit nga ba andrama ko??? e kasi naman po, mga kaibigan, nabiktima ng 'langhiyang pagmamahal na yan ang yours truli. e kapag po kasi mahal ko, e mahal na mahal ko talaga. kaya yon. sa pagpipilit lumimot, e na-shatter ng konti.
'di bale, sa lalong madaling panaho'y makakabawi din ako. gumagaan na ang malaki't mabigat na batong bigla na lang bumagsak sa mga balikat ko.
salamat nga pala sa mga dudes diyan sa tabi tabi, na hindi lumisan sa 'king tabi at sa mumunti ngunit napakamakahulugang paraan ay humahango sa kin sa kumunoy ng emosyon. :) alabshu...di ko na babanggitin kung sino sino kayo. basta lab ko kayo lahat. :)
at para sa'yo, na sanhi ng pagd-drama ko ngayon, iba ka talaga! mabuhay ka! dahil sa'yo nakakita ako ng mga kaibigang handang magpangiti sa kaluluwang sawi (uy rhyming!). :) maraming salamat dude! pakabait ka ha? :) at see you soon.
*****
naglakad kami ni rina kanina...kasalanan ko naman kasi, hinila ko siya sa Unibersidad ng Pilipinas kahit gabi na, ayun tuloy, puro mga saradong tindahan ang inabutan namin, at wala pang dumadaang mga jeep! kaya nilakad namin mula shopping center hanggang sa may sunken garden, dun kasi yung istasyon ng mga jeep na katipunan-bound. sorry rina. wag mo ko susumbong kay... :D
anyway, masarap talaga maglakad. lalo na pag gabi at malamig ang hangin at kasama mo ang isang taong...pinagkakatiwalaan mo ng buhay mo. :) ganda din magka change of scenery mula sa mapolusyon, maingay, maliwanag, at Korean-infested Katipunan nights. at syempre maraming mga interesateng tao/pangyayari sa sunken garden pag gabi. (note: si rina po, tuwang tuwa sa mga silhouette na nakikita niya, hehe)
*****
may bago nang cell phone si kris!!! yehey!!! :) at nakaupo kami kanina sa LRT papunta't pauwi! yehey ulit!!! :)
postscript:
"sabi ko sa angel ko magpapaalam na ako sa'yo, na wala ka na sa buhay ko. Nagalit siya sa akin at sinabi: kelan ka pa natutong magsinungaling?" --- haha! humirit pa!!! matulog ka na, AR! :)
|