|
senti mode.
yehey, medyo unofficially tapos na ang junior year! :D bittersweet. yoko pa mag senior pero gusto ko na matapos ang sem na to. ang hirap kasi.
pero kung tutuusin, masaya pa rin...sa maraming paraan, kahit mahirap masaya pa rin. mahirap maintindihan pero ganun eh. maraming sakripisyo pero ayos lang, maraming kabadtripan pero ngiti pa rin. aysos! magdrama ba daw! kagabi pa ko ngada-drama sa kung sino sino, kaya tigilan na to!!! :D
***** saturday whattaday.
by the way, masaya pala ang mga nangyari nung sabado. nun lang ako nagulantang, napuyat, nakakita ng napakaraming papel at tao sa buong 12 square meters ng dorm na to sa loob ng isang linggo! hehe. 72 oras ng putol putol na tulog, 2 defense sa 2 major subjects, at masayang kodakan. OK na. pero ang pinaka OK, e ang 2 AYOS na AYOS na grades!!! hehe. it was all worth it.
***** wala lang, pramis.
may kaibigan ako. nakakatuwa kasi bigla bigla na lang siya lumilitaw sa mga oras na di inaasahan. minsan astig ang timing niya, minsan hindi rin. ang nakakatuwa lang sa kanya, alam niyang ginulat ka niya sa pagsulpot niya kaya naman nagiging "worth it" ang istorbong yon. :D
sa pinaka huli niyang bisita sa akin, may suliranin siya. sa puso. tsk. matindi tsong. nung una ko pa lang pagka kita sa kanya, alam ko na. hehe, ilang beses ko na ba siyang nakitang nagkaganon?
lumipas ang mga sandali, minuto at oras, pero hindi nagsalita ang loko. syempre hindi ko din tinanong. matagal tagal din kaming nag-usap pero wala talaga. sinubukan kong i-fish pero wala talaga. naghiwalay kami ng landas pero di nya pa rin sinabi.
bakit ko nga ba kinukwento to? wala lang. kung nagbabasa ka ngayon, oo, alam ko. at tulad ng sasabihin ko sayo sakaling nagsalita ka noon, "this too, shall pass." i-enjoy mo na lang habang andyan pa! wag ka mag-alala, kaya mo yan. ikaw pa. :D
***** hmmmmm...just a thought.
kung bakit naman kasi, kung kelan ka naging seryoso, saka ka niya gagaguhin... natakot tuloy ako.
|