|
mahina talaga ako sa mga good bye.
kahit na alam ko at tanggap na sa isang paraan, kailangang matapos ang ligaya, hindi ko pa rin mapigilang magkaroon ng paninikip ng dibdib, pagpigil ng iyak, at pagiging sentimental tuwing mararamdaman o malalaman kong may magpapaalam.
ang sumasagi sa isip ko, na naman. may aalis na naman.
hindi ko maintindihan, pero kung tutuusin, dapat sanay na ako. sa tinagal tagal ng panahon na taon-taong umaalis ang tatay ko, at sa tatlong beses ko nang hinarap ang pag-alis ng mga matatalik na kaibigan, dapat matigas na loob ko pagdating sa departure area. pero hindi. sa tinagal tagal na dapat sanay na ako, lalo pa akong nagiging emosyonal. siguro kasi, sa paglipas ng panahon, lalo kong naiintindihan, lalo kong nararamadaman ang paglisan ng isang taong naging parte na ng buhay ko.
aaminin kong naduduwag ako.
***hindi ko sinasadyang maging malungkot. nalaman ko lang na umalis na ang isa sa aking mga kaibigan papuntang estados unidos. hindi ko naiwasan.
|