|
so much for planning a 21st birthday chuvaness. i can't have it anyway. :(
why? by some stroke of luck, my cousin's getting married (in the province!!!) on the weekend of my birthday. and even if i have previously planned to plan (haha labo) a last-birthday-as-a-student thing, im informed that im included in the entourage. uh huh. no chance of escape. :(
maybe id just have to abandon the birthday thing altogether...sh*t. :(
*****
i was reading my friends' blogs. waw. sumeseryoso na ang mga tao ah. actually since matapos ang junior year, nagsimula na ang dramahan. di mapigilan. Senior na. patapos na.
minsan naiisip ko rin na magpakasenti dahil may mga pagkakataong nasesenti na rin ako. pero pinipigilan ko. wala lang. kasi parang pag nakita ko nang nakasulat at nakapost yung mga kasentihan ko, nagiging totoo na. haha, pagtakas ba? in a way. parang ayoko pa harapin sa ngayon.
sunod sunod na kasi yan pag nagkataon. masesenti tapos mae-excite sa grad pictorial tapos mas-stress sa mga lessons tapos kakabahan sa mga mangyayari pagka-martsa. ngayon pa lang nga naiisip ko na kung saan ako dadalhin ng mga natutunan ko. conflictng ang mga tao. sabi ng iba, madali daw ang paghanap ng trabaho kasi atenista. sabi naman ng iba, wala na daw masyado bearing yun kasi ang lakas ng competition. ewan.
parang blind corner sa kalye. di ka pwede mag-overtake, kaya hindi mo pwede makita kung anong sasalubong sayo.
ngayon ko lang napapagtanto...hindi pa ko handang humarap sa mundo mag-isa.
|