|
hi. musta na? parang ang tagal nating di nagkita noh? kunsabagay medyo matagal na rin yun. pero wala pa namang isang taon diba?
wala lang, naalala lang kita. lagi nga kita naaalala ngayon eh. natatatawa na lang ako bigla pag may nakikita akong taong umiirap ng tulad ng pag-irap mo. ang lala mo naman kasi! pati mga bagay na trip mo iniirapan mo! :)
naalala din kita kanina kasi puti yung medyas ko. ikaw kasi yung advocate ng mga itim na medyas kaya (as always) iirapan mo ko pag puti medyas ko. hehe.
naalala din kita kasi nakita ko yung picture natin dati. nami-miss na yata kita. nakakagulat ba? di naman. may mga times din na naiisip kong sana kasama kita. pero alam mo kung anong mas nakakagulat? ako yung nami-miss mo. HAHA! pano ko nalaman? secret. :D
wala lang, dami ko pang sinabi, gusto ko lang namang malaman mo na natuwa akong namiss mo ko. :)
|