|
kung sa paglimot din lang, oo nagawa ko na. kung sa pagpapatawad din lang, oo, naisapuso ko na. kung sa paglilihim din lang, oo, nakabisado ko na.
...pero hindi ko magawang hindi na isipin, ...hindi ako makapagpakawala ng tuluyan, ...at hindi ko kayang sarilinin.
siguro nga, nalimot na kita. pero mananatili ka pa ring kakaiba. mananatili kang ispesyal sa akin. salamat sa panahong binigyang-kulay mo ang mga ordinaryong araw ko.
estan corto el amor, y estan largo el olvido -- pablo neruda
|