|
i was taking advantage of the temporary absence of schoolwork in my life by going online, and was greeted by the presence of Chase. grabe, kakaiba talaga si God. just when i was feeling so frustrated and misunderstood, he sends this good friend of mine into cyberspace. :) :)
hay, and then i just realized how much i miss this girl. grabe, for the first time in my life walang-kahihiyang umiyak ako sa bagong-bagong NAIA 2 nung papunta silang states. naka uniform pa ko nun. langyang bata. after a few weeks bumalik-pinas. langya talaga!
**grade one kami nung una kaming nagkita. mga batang paslit sa baretto bus service na sinusundo bago pa sumikat ang araw dahil malayo ang ruta mula binangonan papuntang antipolo. eto kasing si Chase noon, habang naka alanganing pigtails, e sobrang mamaru (lahat naman ata ng grade one mamaru), sabi niya may MGA gameboy daw siya sa bahay. at ako naman, na sabik sa gameboy dahil ayaw ako bilhan dahil babae daw ako, e naniwala sa kanya. sabi niya, bibigyan nya ko nga gameboy bukas. at bukas. at bukas. at lumipas at naubos po ang kanyang mga bukas.
pero napatawad ko naman siya. kasi noon, nagpapalit kami ng baon pag ayaw namin yung baon namin. magkakampi kami pag inaaway namin si cindy sa bus. pinapahiram niya ko ng pencil pag napuputol yung akin. nagt-trade ng lisa frank at sandy lion stickers. kasabwat sa pagbili ng ilegal na chichirya. ka-kuntsaba sa araw araw na pranks namin sa mga kapwa namin grade one at sa ilang prepies na cute pero masarap pag-tripan.
at dahil hanggang ngayon e hawak ko ang picture na ninenok sa kanya na pag nilabas ko sa mundo e matutunaw daw siya sa kahihiyan. :D
naka ilang appointment ba kami kina justine? sa hanky panky girls? sa mga taong gubat/porn stars na kamukha ni tito sotto? extensive library of films AKA "gen sci investigatory project on mudfish". talent talaga gumawa ng excuses. kasabwat pa si ate beth para may taga hiram. tsk tsk. :) :)
siguro sa 100% na kalokohan ko sa loob at labas ng AA, 90% kasama ko 'to. biro mo, sinasagutan naming magkakabarkada yung assignment niya dati sa Kumon (pero dapat siya lang ang sumasagot) para mapabilis daw ang promotion niya. demanding pa to. gayahin daw handwriting niya para di halata.
**kahapon sobrang sama ng loob ko. pero nakausap ko siya at naging OK ang lahat, kahit pansamantala lang. unmentionables galore. grabe, hanggang ngayon, gago pa rin talaga kami.**
its just so refreshing to find out that while the world is turning so fast, some things will never change. si Chase ay si Chase pa rin...ulupong. mamaru. gago. maloko. at mahal na mahal ko.
|