|
bagay talaga sa kin yung kantang 'Di Na Natuto. kasi yun talaga ko, di natututo. di naman ako kulang sa vitamins, o may learning disorder, pero siguro, pag usapang *coughpusocough* na, wala na chong. daig ko pa yung matandang asong di na pwede turuan ng tricks.
naiisip ko tuloy kung bakit kaya ganun. kung tutuusin, madaling matuto sa usapang *coughpusocough*. tulad ng batang natututong maglakad, pag nadapa na, bangon lang. iwasan ang kalsadang kinadapaan. at sa pagbangon, isiping mabuti na kailangan huwag na ulit madapa. bakit? masakit eh. pero ang nangyayari, ladies and gentlemen, e nakikita ko ulit ang sarili kong nadadapa sa parehong kalsada. sa parehong lugar kung saan ako nahulog, sa parehong puntong sinabi kong "ayoko na madapa ulit dito". mahirap din kasi magpagaling ng sugat noh. lalo na kung malaki't malalim (or both) yun.
mahapdi ang hydrogen peroxide na binubuhos ni mommy sa mga sugat ko dati. may kasama pang ointment tapos tatapalan ng band aid. at syempre, may walang-kamatayang sermon tungkol sa mga nadadapa, nasusugatan, at nagtatago ang sugat. oo, tinatago. sa takot ko kasing makaramdam ng hapdi, di ko sinasabing may sugat ako. nahahalata na lang ni mommy na para na kong pilay maglakad at parati ko hawak yung tuhod ko. pero hindi pa yun yung clincher. nalalaman ni mommy na may mali sa kin pag natatahimik ako. at nabubuko na ang lumalaki at lumalala kong sugat.
e mahirap naman kasi talagang magsabi, lalo na nung 7 years old ako at alam kong:
sugat + gamot + band aid = walang laro sa kalye. syempre bad trip yun! left out ako sa neighborhood kids. at lalo namang mahirap magsabi nung 20 years old na ako at may heartache ako. dahil alam kong:
heartache + schoolwork = low productivity. at syempre, left out ulit ako nun. habang masayang nagk-kwentuhan ang friends ko tungkol sa mga kung ano-anong bagay, eto ko't nag-iisip, napapabuntong hininga, nananaginip ng gising, naluluha, tumitingin sa malayo, blangko ang mga mata, pilit iwinawaksi ang mga memories...in short, nag-aalaga ng isang sugatang *coughpusocough*.
masakit ang mga alaala, ang ideya ng pagle-let go, ang pag-move on, ang isiping magkakaron na siya (o meron naman na talaga) ng buhay na wala ako, at kailangan ko nang mabuhay ng wala siya. mahirap tanggalin sa katawan ang mga bagay na kinasanayan dahil sa kanya. mahirap magbura ng number sa cellphone. mahirap magbura ngmga mensahe, lalo na yung mga messages niya na iningat-ingatan ko pa sa isang folder. mahirap alalahanin ang masasayang araw. at syempre, ang pinaka masakit na yata sa lahat, ang piliting hindi na mahalin ang isang taong...hindi ako kayang mahalin.
at isa pa, matagal din bago tuluyang gumaling ang sugat. ilang araw, ilang linggo, minsan pa nga buwan. sa kaso ng *coughpusocough*, baka nga taon pa. pero sabi nga, time heals all wounds. siguro totoo naman yun, kung hindi ko ulit masusugatan yung gumagaling ko na sanang *coughpusocough*, este, sugat.
at yun ang problema ko, dear readers. bago pa gumaling, nasusugatan na naman. napapadpad na naman ako sa kalsadang dapat e Off Limits na. ewan ko ba kung anong kalseng ganda meron ang daang tinatahak ko at lagi na lang akong naaakit doon. challenging? hmm...hindi din. exciting? kelan pa naging exciting ang masaktan? yung pursuit siguro, oo. addicting? ay wala namang ganyanan. mahal ko lang talaga? ay grabe pang telenovela na to...
siguro...kakaiba lang talaga siya? aha. ito na nga siguro. wala na din akong maisip na dahilan kung bakit at paano niya ako nabibihag sa mumunti niyang kilos at salita. kung paano niya ako napapa-silent smile. na kahit ilang beses ko nang pinigilan, sinubukan pakawalan, sinubukan limutin, o huwag nang pansinin, eto pa rin ang cute na ako:
nadadapa, nasusugatan, nagpapagaling. madadapa, masusugat, magpapagaling. and the cycle continues. tantananantanaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaan!
special thanks to ixiaux and JLS. :)
|