|
nasubukan mo na bang pakawalan ang isang bagay na mahal mo para sa isang taong mahal mo rin?
ganoon ba talaga ang pagsukat ng damdamin o paraan lang ito para suriin kung anong kaya mong ipagpaliban?
nasubukan mo na bang piliting lumaban kahit mula pa sa umpisa alam mong talo ka na?
paanong sikip ng dibdib at lalamunan ang babalot sa ilang segundong napagtatanto mo ang katotohanang
hindi talaga para sa iyo ang nag-iisang bagay na minimithi mo?
hindi dahil gusto kita, akin ka. hindi dahil alam kong mabuti ka, tama ka. hindi dahil iniwan kita, hindi na kita mahal.
|