|
tapos na ang ikalawang philo test. masaya ako sa nauna kong nakuhang marka, bagam't maaari pa sana itong naitaas kung nagawa ko lamang siyasatin ang iba pang aspeto ng kurso. oh well. hindi na bale.
nakakatuwa ang leksiyon ukol sa pilosopiya. konsensiya, ley natural, at mga batas. kung tutuusin, talagang magagamit sa pang araw araw na buhay. siguro yun naman talaga ang layunin ni dr. ibana at ng iba pang maestro ng pilosopiya.
nakalulungkot lang isipin, at makita, na sa kabila ng mga talakayan, at sa gitna ng pagsagot ng katanungang laan para sa ikalawang pagsusulit, mayroong tuwiran, at sadyang nandadaya.
siguro nag-aalburoto na si sto tomas de aquino sa libingan nya ngayon.
hindi sa sinasabi kong santa ako at ni minsan sa buhay ko e hindi ako nandaya o nakaisip mandaya. sa hirap ng mga pagsusulit sa high school at kolehiyo, naisip ko na din yun. minsan mahirap labanan ang tawag ng pangangailangan. pero natutunan ko din na kayang amuin ng tao ang kanyang mga udyok. at oo nga pala, may kalayaan din ang tao mag isip. at may katwiran siya para sagutin kung bakit niya ginawa ang ginawa niya. kaya naman nagulat lang ako kanina. sobra.
yun lang po. on to immanuel kant sa huwebes. panibago na namang leksiyon.
|