|
masaya ako. :) katatapos lang ng post-21st birthday thing na ginanap sa aking hometown, at natutuwa ako dahil natuwa sila, at masaya kami, at nalasing ako. ahaha! sa wakas!!! ang sarap pala ng pakiramdam... :) :) kahit naluha na ako dun at hindi nila naiintindihan kung bakit, ehehe...masaya pa rin. masarap magkaroon ng kakaibang lakas ng loob. :D in fairness marami pa akong natandaan nung mga panahong yun...kahit umiikot na lahat ng nakikita ko, parati akong nagpupuntang CR at ayun nga, kung ano ano nang sinasabi ko na hindi ko masabi pag "normal ang lahat". haha. isa pa! isa pa!
**vins, wag ka mag alala, alam ko pa ang mga sinasabi ko :D
anyway, simula nung gabing iyon, nalaman ko na mali nga naman ako...dapat mas iniisip ko yung mga bagay na meron ako, yung mga taong nariyan, yung mga oras na nagsasama-sama kami imbes na pangarapin at hilingin yung mga bagay na matagal nang nawala. siguro ang importante na lang ngayon, e yung bigyang halaga ang mga naganap noon, alalahanin ang mga magagandang alaala, at maging masaya sa kaligayahan nila. naging malaking parte din sila ng buhay ko, at sa mga panahong masaya kami ay masasabi ko namang tunay ang lahat ng yon. kaya...ayan, magiging masaya na lang ako sa kung saan sila maligaya.
o ha, lasing na yan may insight pa :D
*****
sa ibang balita, nainsulto ako sa isang ibinalita ng isang bubwit (hindi ako sa bubwit nainsulto, kundi dun sa balita niya). wala naman akong reklamo sa mga ipinagkaloob sa aking mga talento...pero wala lang. ewan ko ba, siguro naiinis lang ako sa ideya na kailangang maging dahilan niya yung tao dahil gusto niya ng personal gain. hindi sa sinasabi kong dapat walang agenda ng personal gain...pero kasi, parte ako ng grupong yun, at alam ko sa sarili ko na nagt-trabaho ako ng maayos. alam ko na nagt-trabaho kami ng maayos. tapos para gawin niyang dahilan yung iisang tao langsa kalidad ng trabaho, para banag nawalan na ng saysay yung iba pang miyembro. hindi ginagawa ng iisang tao ang isang proyekto, dude. alam mo yun.
kaya para sayo chong: MANIGAS KA!!! at isang malaking GOOD LUCK na lang sayo. wag ka lang maging pimp dahil nakuuuu...!!!
*****
bago mahuli ang lahat, isang malaking CONGRATS sa aking soulmate na si vins sa kanyang matagumpay na writers' workshop. :D sa kabila ng mga bad trip na balita, nag-uumapaw ang kaligayahan ko para sa kanya...grabe...siguro kung nananaginip yun ayaw na niya magising. haha! :D :D :D
*****
yun na muna... :D
|