|
WARNING: galit ako.
hindi ko maintindihan kung BAKIT ko kailangang marinig sa iba. pwede mo naman sabihin sa akin. sa mukha ko. pwede kang sumulat, mag YM, tumawag. wala kang excuse. maraming paraan. alam mo, sa tinagal tagal ng panahon na magkaibigan tayo (o akala kong magkaibigan tayo), NAGING TOTOO ako sayo. kahit alam kong masasaktan ka o hindi mo magugustuhan ang maririnig mo, sinasabi ko sayo kasi YUN YUNG TOTOO. at naniniwala ako na bilang kaibigan mo, dapat malaman mo. HINDI SA IBA, HINDI KUNG KANINO PA MAN KUNDI SA KIN.
kaya naguguluhan ako ngayong may mababalitaan akong may isyu ka sa kin. t*ng *n*, bakit di mo ako kausapin? HINDI AKO MANHID, pare. tandaan mo yan. isaksak mo yan sa kukote mo kung kailangan. dahil wala akong makitang dahilan kung bakit kailangang SA MGA KAIBIGAN ko pa malaman yang mga hinaing mo. KAHIT KAILAN HINDI KO GINAWA YAN SAYO. lumaban ka ng patas! harapin mo ko! sabihin mo sa kin ng diretso. tutal, tayong dalawa ang sangkot dito. HINDI SILA KASALI kaya wag mo idamay.
at pwede ba, tigilan mo yang paawa effect mo. na uli, SA MGA KAIBIGAN ko. galing mo din! para mo akong pinagtangkaang patayin sa sarili kong teritoryo! humanap ka nga ng sariling kampo mo!
...o baka naman yun talaga ang gusto mo mangyari? kung gayon, ngayon pa lang sinasabi ko na sayo na hindi kita aatrasan. wag mong tangkaing sirain ang samahang meron kami. wala akong ginagawa sayo. hindi ko kasalanan kung hindi tumatakbo ng tama ang mga plano mo. hindi ko kasalanan kung bakit nagkakaganyan ang mundo mo. at lalong hindi ko kasalanan kung MASAYA ako.
kita mo, isang blog space pa ang nakalaan sayo. alam mo kung bakit? kasi kahit papano may pakialam ako. ang alam ko, may pinagsamahan tayo. minsan natawag na kitang kaibigan. pero kung itutuloy mong unti-unting uubusin ang pasensiya ko, walang sisihan.
RESPETO. yun lang. RESPETO.
-----
sa totoo lang ayoko magalit. pero hindi ko mapigilan, dahil sobrang naiinis ako. mabuti nang mailabas kesa kimkimin.
ayoko sanang tuluyang mabura ka sa buhay ko. wag mo akong pilitin.
|