|
nagkaroon ng reunion of some sort ang corkhouse people. kanina lang, sa kaharian ni ronald mcdonald. nakakatuwa, maraming nagbago pero walang nagbago. labo? hehe. pero ganun talaga. sinusunod ang kanya-kanyang tadhana, 'ika nga. pero nananatiling makukulit, masasaya, at syempre cute pa rin. :D :D :D
yung pics na kay eden pa pala. saka na yun :D
ewan, pero masaya ako ngayon. monday na monday...haha. considering na may 2 major "events" na mangyayari this week, stable pa ko. :) grabe naman, gaano ba kalaki ang probability na ikakasal ang isa sa mga pinakaminamahal na kaibigan ko't aalis na uli ang tatay ko sa loob ng isang linggo? sa kin lang talaga nangyayari ang mga ganito. :)
sa totoo lang last week ko pa gusto maiyak para dun sa ikakasal. kasi september na at unti-unti nang nang nagiging totoo ang mga bagay-bagay. gusto ko na maiyak kasi ang bigat dalhin. gulat, guilt, lungkot, nostalgia, at panghihinayang, halo halo na. sa totoo lang hindi ko na alam kung paano to. wala naman kasing nakakaintindi talaga. may mga nagsasabi na mali ako para suportahan siya. may mga nagsasabing kinukunsinti ko daw. bad trip pa yung iba sasabihing what a friend...grabe! what a friend daw ako. haay. hindi ko naman sila talaga masisisi kasi...ewan ko. ayaw ko lang. at hindi ko na rin magawang magalit sa kanila. what's the point diba? 'di naman nila naiintindihan eh.
pero ayun nga, dahil yata sa mga yun hindi ako maiyak kahit gustong gusto ko na. di bale, kung sakaling maiyak ako pagtataguan ko ang mundo :)
aalis na nga pala ulit si itay. haha...kung hindi ko pa hinahanap kagabi yung life jacket na inuwi niya noon hindi pa niya mababanggit. kaya biglaan kaming nagka-heart to heart talk, na nangyayari lang naman pag ganitong paalis na siya. ehehe. parang palitan ng backpack...pag dumadating siya mas konti ang responsibilidad ko. pag aalis na, dadami na ulit. :)
oh well, maliban dito magaan ang pakiramdam ko. acceptance lang talaga siguro ang sagot dito. madaling sabihin, pero hirap gawin...haha. pero at least, nagagawa nang sabihin, diba? labo na naman!
ay nako, basta, magiging OK ang linggong ito. :) :)
|