|
sa Espanyol, el compromiso. sa Pranses, avoir un rendez-vous. sa Filipino, pag-uulayaw. at sa Ingles, date.
tama. isang date nga ang nangyari. ang maulap, maulan, at malamig na ika-28 ng oktubre ay ang araw na kasama ko ang taong hindi na kailangan pangalanan, sa lugar na di na dapat malaman kung saan. :p
mabait? oo naman! masaya kasama? of course! cute? hmmm...sige na nga, cute din siya! walang hiya-hiyang nangyari. game siya sa maraming bagay. madaling yayain. challenging. daring. AYOS. :)
ay oo nga pala, wholesome ang date na ito.
and so, bowling ang natripan namin. ah hah! kahit papaano naman may alam ako dun. siguro naman, hindi ako mapapahiya. mukhang pro pa naman yung date ko. may foot movement pa siya tuwing matatapos pakawalan ang bola. :) HOW WRONG WAS I. talo ako sa lahat ng games. may isang beses pa na 3 sunod sunod na set na suki ako ng gutter. tsk tsk tsk. siguro kung hindi mabait yung date ko natunaw na ko sa hiya. nakikipag-high five pa siya at panay ang pagch-cheer kahit sablay mga tira ko! grabe yung bola talaga may kasalanan eh. ayaw mag-cooperate. pero kasi...nakaka conscious yung date ko, hehe. naka-ilang strike! at mas madami pang spare! ang galing galing talaga! hihihi!
anyway, nagkayayaan kumain kahit hindi masyado gutom. tignan mo nga naman, dairy queen ang hirit niya. malas nga lang na wala nang DQ. pero syempre, hindi siya nagpatalo. cool as ever, sa ice monster kami nauwi. o diba literal na sweet? at ayun, masayang kwentuhan na, hiritan, tawanan...hanggang sa malaman ko na hinihintay na ako ng nanay ko sa french baker.
at doon natapos ang lahat. ay pakshet! im 10 kinds of a fool! nakalimutan ko yung goodbye kiss niya!!! nyahahahaha!!!
pero ang nakakatawa dito, nakatulog na ako, gumising, nakaligo, nakakain, at nakatulog na ulit -- hindi pa nabubura ang ngiti ko buhat kahapon.
sa iyo, salamat ah. nag enjoy ako ng sobra. :) sorry nakalimutan ko yung goodbye kiss mo. :)
nga pala, na-meet na siya ng nanay ko. hinatid ako sa kanya eh. ang sweet niya noh? ;p
|