|
siguro nga, hindi ka para sa akin.
siguro tinakda talaga ng tadhana na magustuhan kita sa oras at panahong may minamahal ka nang iba. sa tagal ng panahong magkakilala tayo, magkabatian, magkaibigan, magkaklase sa iba't ibang kurso, ngayon ko lang nakita kung gaano ka ka-espesyal. kung gaano ka kabait. kung gaano ka katotoo. pati na rin kung gaano ka kagwapo.
hanggang ngayon kinikilig pa rin ako pag naaalala ko yung araw na nagbago ang tingin ko sayo. basketball ang laro ko noon. pawisan, mainit ang ulo, palaban. naka-foul ang kabilang team kaya sa amin ang bola. ako ang inbound. ipinasa ko ang bola at pabalik na sa court nang bigla mong sinabing: "o, ingat ka, baka mapilyan ka na naman", sabay hawak sa kaliwang braso mo na para bang nabalian ka ng buto, habang nakangiti ng ngiting bumibihag sa mga panaginip ng mga kababaihan (at "kalalakihan") sa buhay mo. nanood ka pala ng laro namin.
naka brown kang t-shirt noon. naka maong at naka puting rubber shoes. tandang tanda ko pa kung paanong nawala ng lahat ng kagustuhan kong mambalya ng kalaban. paulit-ulit kong naririnig ang mga sinabi mo, at hindi ko namamalayan na hindi ko na mapigilang ngumiti. ikaw ang unang taong nagsabi sa kin nun. ikaw na hindi nakakaalam na taon taon na akong napipilayan. ikaw na minsang nagsabing bagay sa kin ang mapilay. ikaw na napaka inosente, napaka kulit, at napaka simple. ikaw, na una kong naging chinitong crush sa tanang buhay ko.
itinago kita sa pangalang J.A kasabay ng pagtatago ng mga kakaibang ngiti pag lumalapit ka. nakaka-score na ko sayo hindi mo pa alam. namomolestiya na kita, nakatawa ka pa rin. dead giveaway na ang mga sulyap at ngiti ng barkada ko, clueless ka pa rin. sa totoo lang, tayo na pero pag nalaman mo break na tayo. mabait sa akin ang langit! (Thank you Lord!)
at doon nagmumula ang pasasalamat ko na hindi kita nagustuhan nuong una kitang makilala. inuulan na ng kakornihan ang dahilan ko: magkaibang magkaiba ang mundo natin. hindi tayo pwede. ikinalulungkot ko J.A, hindi ako ang para sa iyo. pero OK lang yun. sabi nga ng isang quote, "smile because it happened". hindi man napunta sa kung saan pa man ang pagtingin ko sayo, maaalala't maaalala ko ang pagiging ispesyal mo. parte ka na rin ng mala-tsubibong lablayp ko!
ngayong buwan lang, natatandaan ko: naka-brown kang t-shirt noon. naka maong at nakaputing rubber shoes. sa kasong ito, walang basketball, walang pilay, pero may kinikilig. may nakaka-score. may nakakamolestiya, may tume-tacious. :) at ikaw, J.A? as usual, inosente, nakatawa, clueless pa rin. ang cute cute mo talaga. :) :) :)
J.A, maghintay-hintay ka sa blue roast. malay mo, may matanggap ka galing sa akin. :)
|