|
ang highlight ng linggong ito ay hindi ang pagiging dormer ko habang bakasyon. lalong hindi ang pagmimistulang mga natitirang buhay na tao sa kahabaan ng halos-bakanteng katipunan ghost town. hinding-hindi din ang mataas na nibel ng paggastos sa greenbelt 2 sa ngalan ng "research" (pero may masasayang kwento dito, malalaman mo din).
anyway, masaya at puno ng alaala ang linggong ito dahil:
***WARNING: KUNG IKAW SI KRIS, HUWAG MO ITONG BASAHIN.***
...naka beso ko ang matipuno at naka-barong tagalog na si KHDD. :) oo, mga kaibigan, si KHDD, ang BAWAL na pagsintang bunga ng pagsama ko sa ensayo ni Jako sa makati shang para sa ika-18 kaarawan ni Kris. dalawang taon na ang nakararaan. :) :) :)
at, hindi pa tapos yan. dahil sa mga di-inaasahang pangyayari ay napunta kami ni rina sa Casa de Kris. at syempre sinong nagmaneho? Si KHDD! at sinong nagdala ng extra kutson na tutulugan sa kwarto? Si KHDD!!! wahahahahahaha!!! sa gabing yon, AKO ANG NAGWAGIIIIIIII!!! :) :) :)
-----
sa ibang balita, matutuwa ng soulmate ko. dahil sa wakas, bago matapos ang 2005, mukhang tagumpay na ako. malaya na ako soulmate! pinakawalan ko na ang sarili ko. masarap ang pakiramdam ng nagmamahal ng walang inaasahang kapalit. *kindat kindat*
-----
nakasama ko ang mga katoto kong taga-AA kagabi sa Casa de Heynz. muntik pa nga akong hindi nakapunta dahil akala ko nung martes yun, at abala kaming nagbibilang ng mga taong kumakain sa greenbelt. pero kagabi pala ginawa, at sa sobrang bait nila e sinundo pa ako mula dito sa apartment! pinagsusuot nila ako ng pink. sa kabutihang palad ay wala ako nun. haha! grabe kagabi lang ako napagod sa mga limang rounds din ng charades. in fairness nanalo naman kami, at wala ka, ang premyo ay Ferrero Rocher! nyahaha!
 photo courtesy of eli :)
simplicity to the fullest ang drama. nakuntento't nabusog sa ura-uradang pizza (abu), pancit canton (heynz), rocky road ice cream (eli), cookies (martha), everlasting --- hindi ito yung bulaklak sa santo niƱo (prescille), chips (sasa), at inihaw na manok (mojo). kung papansinin wala akong dinala. opo mga kaibigan, kagabi ako ay dakilang parasite. :D pero mahal pa rin nila ako *singhot singhot singhot* :)
hindi natapos ang gabi ng hindi namin napag-uusapan ang mga kalokohan ng nakaraan. at, quite expectedly, karamihan ako ang may pakana. 2 out of 3. :p mother of god. kalokohan central ko talaga ang gradeschool at highschool. pero mukhang harmless naman dahil naka graduate naman kami, hindi na principal's office, at wala namang nasaktan --- maliban na lang sa isa kong kaklase nung 4th year na nagupitan ko ng buhok. kung babalikan namin lahat ng iyon mistulang anghel na ako ngayong kolehiyo. on second thought, lahat kami mistulang anghel. hahaha.
-----
bagama't bad trip nung una dahil nagt-trabaho't dormer ako habang bakasyon, naging masaya na din...magaling talaga ang timing ng langit. :) astig. ze azzztig! :p
|