|
isang linggo na mahigit nung makasaysayang gabi ng blue roast. oo, binigay ko ang blue rose, pero hindi kay righful recipient, dahil na rin sa dalawang bagay: 1. naduduwag ako; at 2. gusto ko na din "umamin" dun sa pinagbigyan ko. :) so, ayun. matapos ang gabi, nag-text ng "natamemeng" message si mr. blue rose, na pinatulan ko naman ng hirit na "friends pa rin ha?", na sinagot naman niya ng "oo naman" at "itatago ko ito". haaaay. hindi talaga ako nagkamali sa kanya. mula noon, hanggang nung gabing yon, ang cute talaga niya. hehe. :)
dalawang araw pagkatapos (at anim na araw ang nakaraan), ang Pagtatapos. cam whore galore. may brokeback pic pa kami ni abu, at madaming awesome twosome clicks kasama ang mga taong, ehem, naging parte ng buhay ko. naiyak nga ko pagtapos ng grad...lalao na nung nagkita kami ni abu. wala lang. pinaghalong saya at lungkot talaga. hindi ko din alam talaga kung bakit, pero habang niyayakap ko silang my fellow graduates, tumulo na din ang waterproof DAW na mascara. ;)
PAGOD ang understatement ng grad, at least para sa kin. 0700H call time para sa misa, rehearsals pagkatapos, takbo sa kainan para sa mabilisang lunch, takbo uli sa salon para magpaayos, at balik ng ADMU HS cov courts para sa 1500H call time para sa 1600H na simula ng seremonya. ipatong pa dito ang walang pakundangang INIT ng panahon, nakasusugat at bugbog-sa-paa-ng-kababaihan na closed shoes with heels, at ang dagdag na INIT dala ng toga at ng free air cov courts. haaay. sa sobrang pagod naramdaman ko lang yung Grad Blues pagkagising ko nung sabado na. ni hindi ko nga lubusang na-enjoy yung dinner...ang thought bubble ko: "dali na...gutom na ko, inaantok na ko, uwi na tayo!!!" oh well. :)
-----
tapos na ang official move-out sa kontrobersiyal na rm 301. haaay. nakakalungkot tignan yung apartment nung halos wala nang gamit. madaming alaala sa kwartong iyon. mabuti, masama, masakit...tulad ng mala-tsubibong byahe ng kolehiyo; makulay, masaya, nakahihilo, pero sa huli, laging may matututunan.
ano nga ba ang natutunan ko sa buong 4 na taong pakikipagbunuan? ang sagot ba dito ay ang magiging buhay ko sa susunod na tatlumpung taon? hmmm. matagal-tagal yun.
-----
nakakaburo din sa bahay. hindi ko pa tuluyang naayos lahat ng gamit ko. nakakatamad eh. :)
-----
all set na ang barkada para sa kanilang apat na araw na bakasyon sa pinaka sikat na isla pag summer... ang phuket, thailand. hehe joke. :D nasa kanila na ang tickets nila, may mga gamit at damit na, hinihintay na lang ang araw at oras na nakatakda silang umalis, at viola! bakasyon sa init ng araw. sana lang...sana lang talaga. oh well, anyway. enjoy kayo!
-----
and, as of press time... my stubborn, get-annoyed-at-me-for-all-i-care self is in top gear. i really pray that i don't do anything that i'll regret in the following days (or weeks or months). test of character to, mehn. :) yahoo.
|