|
ibang uri ng kapayapaan ang inihahatid sa akin ng mga malulupit na OPM sa mga pagkakataong tila dumadaan ang unos ang simple kong buhay.
napag uusapan lang namin ni kars nuong isang raw ang mga waging kanta nila G. George Canseco at G. Basil Valdes, pati na din ni Sharon Cuneta. tagos sa puso at damdamin ang mga tugtuging gawa sa sariling wika. kakaiba. huling-huli. sakto.
kaya ngayong bumubulusok ang mga emosyon, at pinipilit intindihin ang mga katotohanang kasalukuyang nanganganib na sumira ng aking pader ng pagtitimpi at pagkiling sa tama, hinahanap-hanap ko ang mga saktong musika na kahit sa ilang saglit lamang ay nagbibigay sa akin ng direksiyon. marahil, isang mabuting solusyon at isang bagong pader ang magagawa kong buuin muli.
siguro nga, ang lahat ay nasasaklaw ng pag-ibig, pagmamahal, pagpapatawad, at pag-intindi. tulad ng mga malumanay na kantang sumisirit sa aking mga tenga, gayun na din sa aking puso't isipan, magkakaroon din ng isang tunay at matibay na damdamin na siyang tatapos ng unos.
maghihintay lang ako.
|