|
mauunawaan kita kung magagalit ka sa akin sa oras na mabasa mo ito.
"ika-7 ng nobyembre ang araw kung kailan ka nagpaalam.
kung pagpapaalam nga bang matatawag ang walang-emosyong "alis na 'ko" na pinasabi mo pa sa taong katabi ko.
ito din ang araw nang namagitan sa atin
ang karagatan ng kawalan, mga isla ng kaduwagan, masukal na gubat ng paglimot,
at itim na kalangitang pinutakti ng polusyon.
naiwan akong parang upos ng sigarilyo.
upos, pero hindi pa nasisindihan.
-- "07 Nobyembre 2005" by JLS
|