|
mayroong dalawang major agenda nung tuesday:
(1) first day ng ABAP training; at (2) HP Q4 Coffeetalk
ay, meron pa palang isa.
may date nga pala ako. :)
nabuo ang mga plano nung monday. tinanong pa nya ako kung OK lang daw ba kung naka-casual lang siya. sagot ko naman, "i like my dates to be themselves" saba tawa. hindi na kailangan baunin ang tinaguriang best behavior pag kami ang magkasama.
magsisinungaling ako kung sasabihin kong hindi ako excited. after all, matagal tagal na din nuong huli kaming nagkita. parati kaming nagkakausap pero iba pa rin pag kaharap ko siya. iba pa rin yung nakikita ko kung paano mangislap ang mata nya pag nagkkwento siya. kung paanong interesado siya sa mga sinasabi ko. maraming pagkakataon noon na siya ang tinatakbuhan ko sa lahat ng bagay -- masaya man o malungkot. kahit kailan hindi pa niya ako binigo. kahit alam nyang minsan, ako ang mali, nararamdaman ko pa rin na kakampi ko siya habang pinagsasabihan nya ako.
naglakad kami sa mga kalsada ng makati. hindi ako pamilyar sa lugar pero ewan ko ba, pakiramdam ko safe ako hangga't kasama ko siya. para lang kaming bumalik nuong mga araw na naglalakad kami sa kahabaan ng snatcher-rich katipunan. maingay ang paligid, maraming tao't maraming sasakyan, pero may sarili kaming mundo. wala pa rin talagang nagbabago.
hmm teka. on second thought, marami nang nagbago. nagsisimula na kami ng career. napupunta na sa long-term commitment at "permanency" ang usapan namin. napalitan na ang mga buntong-hiningang school-related ng mga work-related sighs. things are different, but we're still the same, 'ika nga.
alam naming dalawa na ayaw pa sana naming matapos ang gabing iyon. pero...we need to finish it so another one can begin. (naks!) at may pasok pa nga pala kami kinabukasan. naghiwalay kami ng landas at singbilis yata ng MRT ang tibok ng puso ko. namalayan ko na lang, bababa na ako.
ilang oras pa, kumalma na din ang rigudon sa dibdib ko't dinalaw na ako ng antok. pero bago ako tuluyang mag bye-bye sa tuesday,
*toot toot toot toot*
"...pasensya na at mejo bitin dahil na late ako ha...pero grabe i missed u, i missed us! sa uulitin!"
at mahimbing akong nakatulog. :)
|