|
**warning: hindi masyadong good mood ang writer sa pagsulat nito**
ito ang isa yata sa mga pinakamaanghang na bagay na narinig ko -- you don't owe anyone an explanation.
sa pagkakataong ito, gusto ko magpaliwanag. not for anybody's benefit but myself. selfish ako eh.
anyway, eto na. ako ay ako. mabilis uminit ang dugo pero mabilis din lumamig. madalas, pinapalampas ko na lang ang mga bagay na nakakapagpagalit sa kin. lalo na kung maliit lang naman. alam ko hindi perfect ang tao, at ako din lalo nang hindi perfect. kaya iniintindi ko ang mga bagay na hindi ko kayang kontrolin (AKA kilos ng ibang tao). hinahayaan ko na lang.
may mga bagay lang na mas nahihirapan ako palampasin, tulad na lang ng kawalan ng respeto at pangt-traydor. ayoko kasing ginagawa akong tanga. lalo pa ng mga so-called na kaibigan ko. mas gugustuhin ko pa na isumbat mo sa mukha ko yung totoo kahit gaano pa kapangit yun at magka one-time-big-time sigawan fest tayo. at least yun yung totoo. hindi ako tanga, friends. you have to give me more credit than that. pinipili ko lang na hindi magsalita, o kaya hinihintay ko lang na ikaw mismo, by your own initiative, ang magsabi sa kin.
para sa'n pa kasing naging friends tayo kung di mo naman kaya magsabi ng totoo diba?
at tulad nga ng kasabihan, napupuno ang salop. at sa kaso mo, napuno na ako sa'yo. maraming beses na kitang pinalampas. at dahil ako ay ako, isang taong nagiging indifferent sa mga taong kinapunuan nya, ayan...indifferent na ako sa'yo. add to the fact na tinraydor mo ko hayop ka. unforgivable pare. ay, never ka nga naman pala nag-ask ng forgiveness.
kaya hindi din ako maga-ask ng understanding mula sa'yo. this is strictly personal, at sana yung mga ibang tao na alam kong may napapansin (at natatakot lang magsalita) ay hindi maisip na may kinalaman sila sa bagay na ito. dahil wala talaga, folks. bunga ito ng quirks ko.
this is between you and me, dear. but honestly, i don't care. i sincerely wish you the best in life. sana mahanap mo ang ikaliligaya mo.
|