|
maselang tumatakbo ang mga mumunting paa habang bumubuhos ang malakas na ulan.
hindi alintana ang basang kalye, ang init-lamig ng hangin, ang rigudon ng kulog, at maging ang matatalas na bato.
tumatangis ang langit nang araw na iyon.
at habang nag uumapaw ang tubig, kasabay na nagdiriwang ang dalawang nilalang ---
dahil para sa kanila, wala nang ikagaganda pa ang mga sandaling pag-aari nila.
--- JLS
|