|
matagal-tagal na din tayong nagsama.
college senior na ako, one year old ka na.
yung taong sinabi ko sayo dati? siya pa rin hanggang ngayon. matigas pa rin ang ulo ko, at ikaw, matiyaga pa ring nakikinig. 80's love songs fan pa rin talaga ako. at OPM na din. next sem na ang CTK (thesis) ko, baka madalang na tayong magkita nun. naalala mo, nagrereklamo ako sayo dati tungkol sa accounting at finance at marketing? ako, naaalala ko pa. wala lang. marami na ring nakakakilala sayo. buti nga ikaw kilala ka nila, ako minsan hindi. ang tiyaga mo sa kin, hindi pa ako nabigo sayo. at bilib ako, ni isang reklamo wala akong narinig. :D :D
tignan mo nga naman...noong isang taon, ni hindi ko inakalang matatagalan ko ang ganitong bagay. naks.
kaya naman, maraming maraming maraming salamat. tuloy tuloy lang. walang iwanan ha? walang ubusan ng bandwidth. :)
|